From the recording The Hiding Place

Lyrics

Panginoong Hesus, Dakila Ka
Words and music: Hubert Dapliyan
20 February 2019

Bumubulong sa isipan ang pangangamba
Puyat at takot ay nadarama
Taos pusong nanalangin sa Kanya
Ako’y nakaramdam ng himala

Panginoon, lubos ang pasasalamat ko
Panginoon ako ay sumasamba sa Iyo
Panginoon ako ay pinatawad Mo
Panginoong Hesus, Dakila Ka

Ang buhay kong ito ay binago Niya
Sakit at kirot ay lumisan na
Maling kaisipan itinuwid Niya
Pinupuri ko ang Pangalan Niya

Panginoon, lubos ang pasasalamat ko
Panginoon ako ay sumasamba sa Iyo
Panginoon ako ay pinatawad Mo
Panginoong Hesus, Dakila Ka

Panginoong Hesus, Dakila Ka
Panginoong Hesus, Dakila Ka
Panginoong Hesus, Dakila Ka