From the recording Sabihin Mo, Paano Ba

In cart Not available Out of stock

Lyrics

Sabihin Mo, Paano Ba
Songwriter: Selina Joycee

Hindi ko inakala na ika’y makilala
Noong ang puso ko’y nangungulila sa iba
At sa unang pagkikita akin nang nadama
Pagtitig ko pa lamang sayong mata

Ngunit ako’y takot nang magtiwala
Pagod na ako sa pagpatak nitong luha

Sabihin mo, sabihin mo ako ba’y iyong mahal
Pagkat alam ng puso kong di na ito magtatagal
Paano ba, paano ba kung ikaw ay bibitawan
Ikaw pa kaya’y iyong ipaglalaban

Ngayong ikaw ay nakasama mundo ko ay sumigla
Pag-ibig na wagas ay iyong pinadama
Inalis mo ang takot sa aking damdamin
Kaya ang puso ko ay labis mong naangkin

Ngunit ito’y panandalian lamang
Pagkat ikaw may’rong ibang mahal

Kaya’t aaminin, ika’y mahal pa rin
Kahit buong ikaw hindi mapasakin
Oh kay sakit isipin ako ay mahal din
Ngunit pagkakataon hindi para sa atin

Oh bakit pa ito ay hinayaang
Mahulog ako saking nararamdman